Gob. Bellaflor J. Angara-Castillo
tumanggap ng mga parangal
By Norlito Q. Cruz
Ang Bagong Aurora
Muli na namang tumanggap ng parangal si Punoung Panlalawigan Bellaflor J. Angara-Castillo bilang Outstanding Culture Friendly Local Governemnt Official buhat sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) at ng International Theater Institute (ITI). Ito ay iginawad sa kanya dahilan sa kanyang kontribusyon sa pag susulong at pagtataguyod ng kultura at sining sa lalawigan ng Aurora.
Ayon sa kasaysayan, and bayan ng Baler ay ang lugar na naging huling tanggulan ng lakas ng mga kastila sa bansa. Dahilan dito ay magkatuwang nilang pinagsikapan ni Senador Edgardo J. Angara noong taong 2003 ng siya ay kinatawan pa sa kongreso anf pagsusulong ng Republic Act 9187 ba nagdedeklara sa pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing ika-30 ng Hunyo taun-taon na nagpapaalala sa napakahalagang pagkakaibigan at pagtitinginan ng Pilipinas at Espanya.
Nagbigay daan din ito upang ihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo and taong 2009 bilang "Year of Baler" sa paggunita ng ika-400 taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Baler sa darating na Agosto sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1696.
Ang plaque na pagkilala ay tinaggap niya nitong nakaraang ika-27 ng Marso 2009 sa Malacañang kaalinsabay ng pagdiriwang ng NCCA ng kanilang World Theater Week. Bukod dito ay tinanggap din ng buihing ina ng lalawigan ang isang tropeo ng sarimanok na disenyo ni Doktor Abdulmari Asia Imao, National Artist for sculpture. Mapalad din ang lalawigan ng Aurora bilang isa sa siyam (9) na lalawigan na kinilala bilang "Culture Friendly LGU" sa buong bansa.