PHOTOS

Gob. Bellaflor J. Angara-Castillo
tumanggap ng mga parangal

By Norlito Q. Cruz
Ang Bagong Aurora

Gob. Bellaflor J. Angara-Castillo tumanggap ng mga parangal

Muli na namang tumanggap ng parangal si Punoung Panlalawigan Bellaflor J. Angara-Castillo bilang Outstanding Culture Friendly Local Governemnt Official buhat sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) at ng International Theater Institute (ITI). Ito ay iginawad sa kanya dahilan sa kanyang kontribusyon sa pag susulong at pagtataguyod ng kultura at sining sa lalawigan ng Aurora.

Ayon sa kasaysayan, and bayan ng Baler ay ang lugar na naging huling tanggulan ng lakas ng mga kastila sa bansa. Dahilan dito ay magkatuwang nilang pinagsikapan ni Senador Edgardo J. Angara noong taong 2003 ng siya ay kinatawan pa sa kongreso anf pagsusulong ng Republic Act 9187 ba nagdedeklara sa pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing ika-30 ng Hunyo taun-taon na nagpapaalala sa napakahalagang pagkakaibigan at pagtitinginan ng Pilipinas at Espanya.

Nagbigay daan din ito upang ihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo and taong 2009 bilang "Year of Baler" sa paggunita ng ika-400 taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Baler sa darating na Agosto sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1696.

Ang plaque na pagkilala ay tinaggap niya nitong nakaraang ika-27 ng Marso 2009 sa Malacañang kaalinsabay ng pagdiriwang ng NCCA ng kanilang World Theater Week. Bukod dito ay tinanggap din ng buihing ina ng lalawigan ang isang tropeo ng sarimanok na disenyo ni Doktor Abdulmari Asia Imao, National Artist for sculpture. Mapalad din ang lalawigan ng Aurora bilang isa sa siyam (9) na lalawigan na kinilala bilang "Culture Friendly LGU" sa buong bansa.

Isa ring parangal and una nang tinanggap ng punong lalawigan noong nakaraang ika-18 ng Marso 2009 at ito ay ang "2009 PCIERD Kabalikat Award" sa Policy Maker Partner Category na iginawad ng Philippine Council for Industry and Energy Research and Development (PCIERD) kaalinsabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-27 Anibersaryo ng ginanap sa Pan Pacific Hotel, Malate, Maynila. Ang nasabing parangal ay iginawad dahilan sa kanyang mga proyekto, mga programa at polisiya ng tumutugon sa disaster preparedness ng lalawigan. Lubos na kinilala ng Department of Science and Technology particular ng PCIERD, and kanyang mga pagsisikap patungkol sa kaligtasan at kahandaan ng lalawigan.

Tinanggap ng butihing ina ng lalawigan ang tropeo ng pagkilala mula sa kalihim ng Department of Science and Technology, Estrella Alabastro at Under Secretary Graciano Yumol Jr. na siya ring Officer-in-Charge ng PCIERD. Kinilala ng nasabing tanggapan ang kaniyang mga polisiya sa larangan ng makabagong teknolohiya katulad ng Early Warning System for Disaster Mitigation in the Philippines, na kung saan ay itinayo sa iba't-ibang lugar ng lalawigan. Ang proyektong Early Warning System for Disaster Mitigation in the Philippines ay kanyang pinagsumikapan maitayo sa lalawigan sa kanyang pakikipagpulong sa pinuno ng Korea at mabigyan ng ganitong teknolohiya upang mapaghandaan kung may darating ng kalamidad sa Aurora. Isa pa rin dito and Mini Hydro Electric Plant na kasalukuyang itinatayo sa Barangay Dianawan sa bayan ng Maria Aurora.

Ang mga nabanggit na pagkilala ay maibibilang na naman sa mga karangalan na kanyang nakamit mula ng siya at manungkulan bilang punong lalawigan.